Patas na kumpetisyon/antitrust

Makatarungang Pagnenegosyo

Paano Tayo Magwawagi

Malakas at makatarungan tayong nakikipagkumpitensiya, tinatalo ang ating mga kakumpitensiya sa pamamagitan ng napakataas na kalidad at halaga.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Naniniwala tayo sa isang malaya at mapagkumpitensiyang merkado. Nag-aalok ito sa atin ng pinakamahusay na pagkakataon para ipakita ang pagkakaiba ng tatak na Johnson Controls. Sa pagiging customer driven at pagbibigay ng pinakamagaling na klase ng serbisyo, natatalo natin ang kompetisyon at nagtatag ng pangmatagalang tiwala sa ating tatak. Ang mga batas na nakadisenyo na itaguyod ang malayang mga pamilihan—kilala bilang mga batas ng antitrust sa Estados Unidos at mga batas ng patas na kompetisyon sa karamihan sa iba pang bansa—ay masalimuot; maaaring humantong sa mabibigat na parusa ang mga paglabag. Alam natin na maging ang paglitaw ng pakawalang-katarungan o panlilinlang sa ating mga gawing pangkumpitensiya ay maaaring makasama sa ating reputasyon at ilantad tayo sa pananagutang legal.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Nagwawagi tayo sa negosyo sa tamang paraan sa pamamagitan ng:

  • Pag-iwas sa mga pormal at hindi pormal na mga kasunduan o mga pattern ng pag-uugali sa ating mga kakumpitensiya upang:
    • Pagsingil ng partikular na presyo para sa isang serbisyo (pagpirmi ng presyo)
    • Pagmanipula ng proseso ng pagtawad (bid rigging)
    • Paghahati ng mga merkado ayon sa heograpiya o customer (alokasyon ng merkado)
  • Matapat, tumpak at walang pagmamalabis na pagpapakita ng ating halaga ng panukala
  • Hindi kailanman maling nanghihimasok sa umiiral na mga kontrata sa negosyo ng ating mga customer
  • Pagbasa at pag-unawa sa Global Antitrust and Fair Competition Policy
  • Hindi kailanman inaabuso ang ating katayuan sa market-share

Mag-isip Muna

T:

Habang naghihintay sa pagsisimula ng isang panel na talakayan sa MetroExpo ng taong ito, nakausap ko ang sales director ng isang kakumpitensiya. Itinanong niya kung napansin ko na partikular na mahirap pakitunguhan ang opisyal ng Facilities Procurement sa isang pangunahing lungsod na pareho nating sinusuportahan; ipinalagay niya ang tungkol sa kung ano ang mangyayari kung ang mga kompanya katulad ng sa atin ay tumanggi na makipagnegosyo sa lungsod. Hindi ako naging kumportable sa pakikipag-usap tungkol sa isang kaparehong customer kaya nagkunwari akong sumagot sa isang tawag sa telepono at pumunta sa isang upuan sa kabilang panig ng auditorium. Paano dapat akong tumugon?

S:

Tama ka sa pagtatapos ng usapan. Magiging mahusay rin na iulat ang alalahanin mo sa Law Department sa lalong madaling panahon. Mahahalagang lugar ang mga trade show at pulong ng samahan para matuto at mapanatiling may alam sa ating industriya. Subalit, maaaring puno ng peligro ng mga paglabag sa batas ng kompetisyon ang mga pakikipag-ugnayan sa mga kakumpitensiya sa mga ganoong kaganapan. Ang pakikipag-usap sa isang kakumpitensiya tungkol sa pag-boycott sa isang kaparehong customer ay maaaring ituring na tangka na bumuo ng ilegal na kasunduan para itangi ang mga kompanya mula sa isang partikular na merkado o bigyan ng pressure ang ilang partikular na customer na “umayon sa patakaran.”