Pantay na pagkakataon at pagpigil sa diskriminasyon

Pagsuporta at Pagsusulong sa ating mga Tao

Paano Tayo Magwawagi

Hinihikayat natin ang mahuhusay na tao, pinauunlad ang kanilang mga potensiyal at sinasanay sila upang magtagumpay.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Tinatanggap natin at itinataas ang ranggo ng mga pinakamahusay at pinakamatalino. Ibinabatay natin ang mga desisyon sa kuwalipikasyon, mithiin at pagganap, hindi sa pagtatangi o pagkiling. Ang pagbibigay sa bawat isa ng pantay na pagkakataon ay ang tamang bagay na dapat gawin. Hindi natin pinapayagan ang diskriminasyon batay sa lahi, kulay, relihiyon, bansang pinagmulan, kasarian, pagbubuntis, edad, kapansanan, oryentasyong seksuwal, pagkakakilanlan ng kasarian, katayuan sa pag-aasawa, serbisyong militar o anumang iba pang katayuan na protektado ng batas.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Hinihikayat, pinauunlad at pinanatili natin ang mahuhusay na empleyado sa pamamagitan ng:

  • Makatarungang pagtrato sa mga tao at pagtuon sa halaga na kanilang inihahatid sa Johnson Controls
  • Paggawa ng mga desisyon tungkol sa pangangalap, pagsasanay, pagtataas ng ranggo at pagdisiplina batay sa kahusayan
  • Pagbibigay ng mga makatwirang kaayusan para sa kapansanan
  • Pagtangging tanggapin ang anumang kadahilanan para sa diskriminasyon—wala naman

Mag-isip Muna

T:

Narinig kong sinabi ng aking superbisor na hindi niya gusto ang mas matatandang manggagawa sa kanyang pangkat. Sinabi niyang hindi siya nandidiskrimina—hindi lamang nila kayang makasabay sa mga kinakailangang bilis ng ating produksiyon. Tama ba siya?

S:

Hindi, hindi siya tama. Hindi angkop at hindi tugma sa mga pagpapahalaga at kultura na ating itinataguyod ang mga pangkalahatang paniniwala o pahayag tungkol sa isang tao o grupo ng mga tao batay sa kanilang edad o iba pang personal na katangian. Maaari ding humantong ang mga ito sa mapanghamak na mga pagkilos. Dapat husgahan ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan at pagganap. Ang isang kapaligiran ng trabaho na kung saan makatarungang tinatrato ang lahat ay nakatutulong na matiyak ang isang kultura na nagtitiwala, masigla at mahusay ang pagganap.