Panunuhol at iba pang anyo ng katiwalian

Matapat na Pagnenegosyo

Paano Tayo Magwawagi

Nagwawagi tayo at napapanatili ang negosyo sa kalakasan ng ating halaga ng panukala at sa pagtatag ng mga relasyon ayon sa pagiging bukas at pagtitiwala.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Pinatatatag ang ating reputasyon bilang isang mapagkakatiwalaan at maaasahang kasosyo sa negosyo ng pag-una sa integridad. Wala tayong interes sa “pagbili” ng negosyo, ni sa pakikitungo sa mga humihikayat o pinapayagan ang mga gawing tiwali. Napinpinsala ng katiwalian ang mga komunidad, pinasasama ang merkado at ginagawang mas mahirap para sa lahat ang magnegosyo. Hindi alintana ang mga lokal na kaugalian o mga gawi ng ibang kompanya, nilalabanan natin ang katiwalaan sa lahat ng anyo nito. Iniiwasan natin kahit na ang paglitaw ng hindi tamang pagkilos, ito man ay pakikitungo sa mga opisyal ng gobyerno o pribadong kompanya.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Masigla nating tinututulan ang pagsuhol at iba pang anyo ng katiwalian sa pamamagitan ng:

  • Hindi kailanman pag-aalok, pangangako o pagbibigay ng anumang bagay na may halaga sa isang opisyal ng gobyerno o sinuman upang makakuha ng pakinabang sa negosyo
  • Pagtangging tumanggap ng mga suhol o kickback at pagbibigay-alam sa Compliance Department kung sila ay inalok
  • Pagpapanatili ng tumpak at kumpletong talaan upang lahat ng pagbabayad ay matapat na nakadetalye at hindi ginagamit ang mga pondo ng Kompanya para sa mga layuning labag sa batas
  • Pagsasagawa ng angkop na kaukulang pagsisikap sa lahat ng ating mga provider na ikatlong partido
  • Hindi paggamit ng isang ahente o iba pang ikatlong partido upang gumawa ng mga maling pagbabayad na hindi natin mismo gagawin
  • Pagsunod sa ating Patakaran sa Paglalakbay, Mga Regalo at Paglilibang ng Ikatlong Partido at Patakaran Laban sa Katiwalian nang masigasig
  • Pag-uulat ng anumang alalahanin tungkol sa isang posibleng maling pagbabayad

Katiwalian Ba Iyon?

Maaaring maraming anyo ang katiwalian at dapat nating bantayan ang mga babala ng panganib. Kabilang dito ang ibang mga partido:

  • Pagtanggi na sumang-ayon sa ating Pandaigdigang Pamantayan ng Supplier
  • Pagtutol sa mga kinakailangan ng kontrata laban sa katiwalian
  • Pagpapanatili ng malapit na relasyon sa mga opisyal ng gobyerno
  • Paghiling ng hindi karaniwang matataas na komisyon, pagbabayad ng cash, o pagbabayad sa mga account sa pangalan ng ibang tao
  • Pag-aalok ng kaduda-dudang mga kwalipikasyon upang maisagawa ang mga kinakailangang serbisyo
  • Pagkakaroon ng reputasyon para sa kaduda-dudang gawi sa negosyo

Mag-isip Muna

T:

Tumatawad ang aking pangkat sa isang malaking proyekto na muling pagpapaunlad ng lungsod sa isang umuunlad na merkado. Kahit na hindi natin kailangan ng kasosyo upang maging matagumpay sa proyekto, mahigpit na inirerekomenda ng opisyal ng procurement ng pamahalaan ng lungsod na makipagpulong tayo sa isang lokal na kompanya upang talakayin na gamitin sila bilang ating subcontractor. Lumilitaw na ang CEO ng kompanyang iyon at ang opisyal ng gobyerno ay may kaugnayan. Dapat ba tayong magpatuloy sa pulong?

S:

Mayroong mga babala ng katiwalian dito. Ang isa ay ang mungkahi na makukuha natin ang negosyo kapalit ng paggamit ng isang subcontractor na may malapit na relasyon sa opisyal ng gobyerno, at ang isa pa ay ang katotohanan na hindi natin kailangan ang subcontractor para magbigay ng mga produkto at serbisyo sa customer na ito. Maaaring maraming anyo ang katiwalian at hindi laging sangkot ang direktang pagsuhol sa isang opisyal ng gobyerno. Sa sitwasyong ito, dapat mong ipaalam sa opisyal ng procurement na hindi kailangan ang inirerekomendang subcontractor at magalang na tanggihan ang pulong. Kung mayroon kang anumang alalahanin sa lahat, makipag-usap sa Compliance o sa Law Department.