Integridad ng pananaliksik at etikal na paghahanap ng mapagkumpitensiyang katalinuhan

Matalinong Pagnenegosyo

Paano Tayo Magwawagi

Pinanatili nating may alam tayo tungkol sa mga uso at oportunidad sa merkado sa pamamagitan ng etikal na pananaliksik.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Ang pagsubaybay sa mga pag-unlad sa ating mga merkado upang maunawaan ang mapagkumpitensiyang tanawin ay nakatutulong sa atin na patuloy na pahusayin at mahulaan ang mga pangangailangan ng ating mga customer. Inuuna natin ang integridad at palaging etikal na kumakalap ng impormasyon tungkol sa ating mga kakumpitensiya.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Angkop tayong kumakalap ng mapagkumpitensiyang katalinuhan sa pamamagitan ng:

  • Pagiging makatotohanan tungkol sa ating pagkakakilanlan at mga motibo kapag gumagawa ng mga pagtatanong
  • Hindi gumagamit ng ikatlong partido para lumahok sa mga pagkilos na hindi natin gagawin sa ating mga sarili
  • Hindi hinihiling sa mga kasamahan (o malamang na mga empleyado) na ibunyag ang kumpidensiyal na impormasyon tungkol sa kanilang dating mga employer

Mag-isip Muna

T:

Nagtatrabaho ako sa pagpapaunlad ng negosyo, at nasa proseso ako ng pakikipagkasundo at pagtatapos ng isang panukalang tawad para sa isang malaking proyekto. Ngayong araw, natanggap ko ang isang email mula sa tagapamahala ng procurement ng isang malamang na customer, at nang hindi sinasadya ay nailakip niya ang isa sa mga panukala ng ating kakumpitensiya sa halip na ang aking panukala na naka-mark up. Napansin ko na ang presyo ng kakumpitensiya ay mas mababa ng 25 porsiyento kaysa sa ating tawad. Gusto kong ibaba ang presyo sa ating tawad upang magapi ang kompetisyon. Puwede ko bang gawin iyon?

S:

Hindi. Iniaatas sa atin ng ating pagpapahalaga na Integridad Muna na mangalap at gumamit ng mapagkumpitensiyang katalinuhan nang naaayon sa batas at etikal. Dito, ang pagsasamantala sa pagkakamali ng ating customer ay lalabag sa kanilang pagtitiwala. Kung sakaling malaman ng publiko na sinamantala natin ang isang customer sa ganitong paraan, mailalagay nito sa panganib ang ating reputasyon sa katapatan at patas na pakikitungo at maaari tayong humantong sa pagkawala ng kontrata. Sa halip na gamitin ang impormasyong ito, dapat mong ipaalam sa customer ang tungkol sa pagkakamali at sabihin sa kanya tatanggalin mo ang email at ang kalakip nito. Dapat mo ring ipaalam sa Law Department ang pagkakamali para tiyakin ang naaangkop na dokumentasyon, at patuloy na tumuon sa mga kalakasan ng iyong orihinal na panukala. Tandaan, ang magandang pamantayan sa pagpapasya kung paano tratuhin ang mapagkumpitensiyang katalinuhan ay ang pag-iisip kung ano ang ating mararamdaman kung ginawa sa atin ng ating kakumpitensiya ang parehong bagay.