Pagkapribado ng data ng customer

Pangangalaga sa Tiwala ng Customer

Paano Tayo Magwawagi

Pinangangalagaan natin ang kumpidensiyal na impormasyon na ipinagkatiwala sa atin ng mga customer.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Ang pagiging customer driven ay tungkol sa mahigit pa sa pagtupad ng mga pangako at pagtugon sa mga inaasahan. Sa kaibuturan nito, ito ay tungkol sa pagpapatuloy na makuha ang tiwala ng mga customer sa pagpapakita na inaalagaan natin ang kanilang mga interes at pati na rin ng sa atin. Ang kumpidensiyal na impormasyon ay kasing halaga para sa ating mga customer tulad ng sa atin; maaaring maging sanhi ng malubhang pinsala sa pinansiyal at reputasyon ang hindi awtorisadong paggamit o pagbubunyag nito. Gumagawa tayo ng mga pag-iingat upang pangalagaan ang kumpidensiyal na impormasyon na ipinagkatiwala sa atin.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Pinangangalagaan natin ang tiwala ng customer sa pamamagitan ng:

  • Pagiging kasing ingat sa mga kumpindensiyal na impormasyon ng mga customer kagaya ng sa atin
  • Paggawa ng mga angkop na hakbang panseguridad upang pangalagaan ang impormasyon ng mga customer
  • Pagbubunyag ng kumpidensiyal na impormasyon ng mga customer doon lamang sa mga awtorisado at may pangangailangang pangnegosyo na malaman ito
  • Hindi pagbabahagi ng kumpidensiyal na impormasyon ng customer sa kaninuman sa labas ng ating Kompanya maliban kung ipinahintulot ng customer
  • Pagpalagay na ang impormasyon ay kumpidensiyal maliban kung at hanggang makumpirma natin na ito ay hindi
  • Pagsunod sa angkop na mga batas sa privacy at sa ating Patakaran sa Pagkapribado
  • Kaagad na pakikipag-ugnayan sa Compliance team o Law Department kung alam natin o naghihinala na hindi sinasadyang maling ginamit sa anumang paraan ang impormasyon ng customer

Mag-isip Muna

T:

Sa panahon ng 10 taon ko sa Johnson Controls, nagtrabaho ako kasama ang maraming grupo at nakabuo ng matatag na relasyon sa buong Kompanya. Humiling ang isang kaibigan mula sa huling grupo kung mapapadalhan ko siya ng lista ng mga email address ng mga customer upang mas mahusay niyang mai-market ang isang bagong serbisyo. Alam ko na tayo ay Isang Pangkat at gusto kong tulungan ang aking kaibigan; hindi lang ako tiyak kung dapat kong ibahagi ang impormasyong ito, kahit sa loob. Paano ko pamamahalaan ang kahilingang ito?

S:

Kaugnay ng paggana bilang Isang Pangkat ang paghahanap ng mga paraan upang makipagtulungan sa ating buong organisasyon, at nangangahulugan din ito ng pagbabahagi ng responsibilidad upang matugunan ang ating mga legal at etikal na obligasyon. Kabilang dito ang obligasyon na pangalagaan ang impormasyon ng customer, na ang karamihan ay kumpidensiyal. Kung ang gayong impormasyon ay inilabas nang walang pahintulot, maaari itong mapunta sa maling mga kamay, na naglalagay sa peligro sa customer at sa ating reputasyon. Huwag ibahagi ang hinihiling na impormasyon at paalalahanan ang iyong kaibigan na nagtitiwala sa atin ang mga customer na gamitin lamang ang kanilang impormasyon para sa mga layunin na kung saan ang mga ito ay ibinigay; kailangan nating hingin ang kanilang pahintulot bago ito ibahagi para sa iba pang paggamit.