Pagsunod sa internasyonal na kalakalan

Pagnenegosyo sa Buong Mundo

Paano Tayo Magwawagi

Bilang isang Kompanya na gumagana sa buong mundo, sumusunod tayo sa lahat ng mga regulasyon at ipinagbabawal ng pangangalakal na naaangkop sa atin.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Ipinagmamalaki natin na magkaroon ng mga customer at operasyon sa maraming bansa sa buong mundo. Sinusunod natin ang mga batas na naaangkop kahit saan tayo nagnenegosyo, pati na rin iyong ipinapatupad sa pandaigdigang kalakalan. Para sa pambansang seguridad, mga kadahilanang pulitikal o pang-ekonomiya, maaaring kontrolin ng gobyerno ang pag-import at pag-export ng mga sensitibong kagamitan at data; maaari din nilang higpitan ang negosyo sa ilang partikular na grupo, indibidwal o bansa. Hindi lang naiiwasan ang mabibigat na multa, pagkawala ng permiso at pagkakabilanggo ng pagsunod sa mga regulasyon ng pangangalakal, nakatutulong din ito na gawing mas ligtas na lugar ang daigdig.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Responsible nating ginagawa ang ating negosyo sa buong mundo sa pamamagitan ng:

  • Pagsunod sa mga patakaran at pamamaraan ng Kompanya na nakadisenyo na tugunan ang mga regulasyon sa pangangalakal, kabilang ang ating Trade Compliance Policy
  • Hindi sadya ang pagma-market, pagbebenta o pagbibigay ng mga serbisyo sa kaninuman sa U.S., E.U. o iba pang naaangkop na mga listahan ng embargo o sanction
  • Pagsunod sa lahat ng paghihigpit na pangkontrata o legal sa pag-access sa impormasyon ng customer
  • Pagsasagawa ng mga pagtatasa ng peligro at sariling pagsisikap na suriin ang mga ikatlong-partidong organisasyon na balak nating makipag-negosyo sa atin
  • Pag-aalerto sa Law Department kung ang sinumang mga customer, supplier o iba pa ay hinihiling sa atin na lumahok sa isang boycott

Mag-isip Muna

T:

Napapansin ko na ang Johnson Controls ay palaging sinasaliksik ang mga potensiyal na bagong merkado para sa ating mga produkto at solusyon. Nakipag-ugnayan sa akin kamakailan ang isang distributor sa ibang bansa para sabihin na nakatatanggap siya ng mga tanong tungkol sa isang linya ng produkto na hindi natin dating ibinenta sa bahaging iyon ng mundo. Alam ko na kung minsan ay may mga paghihigpit sa kung saan maaari tayong magbenta ng mga produkto at ang mga paggamit na maaari gamitin ang mga ito. Hinilinng ko sa distributor na sagutin ang ilang katanungan para matulungan ako na maunawaan ang nilalayon na end user at end-use. Malabo ang kanyang mga sagot at mukhang binawasan niya ang aking mga alalahanin. Sa palagay ko ay hindi niya nauunawaan ang mga posibleng peligro. Ano ang dapat kong gawin?

S:

Matalino ka para ipahayag ang pagsunod sa pandaigdigang kalakalan. Mahalaga na masuri ang anumang oportunidad sa merkado sa ibang bansa para sa mga ganitong uri ng peligro. Dapat mong ipagpatuloy ang iyong mga pagtatanong sa distributor, dahil hindi tayo makakapag-supply ng mga produkto nang walang ganap na pagkaunawa sa mga nilalayon na end-user at end-use. Ipaabot din sa pangasiwaan ang potensiyal na problema sa pandaigdigang kalakalan, sa Trade Compliance Team o Law Department para sa tulong.