Kalusugan at Kaligtasan

Pagpapanatiling Ligtas ang Bawat Isa

Paano Tayo Magwawagi

Pinapanatili nating ligtas at malusog ang ating mga sarili at ang iba upang maabot natin ang ating buong kakayahan.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Nagwawagi tayo bilang isang pangkat kapag ginagawa nating pangunahing prayoridad ang kapakanan ng ating mga tao at bisita. Wala nang mas mahalaga kaysa sa kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho; pinapanatili tayong nakatuon ng ating Pananaw na Walang Pinsala at mga kaugnay na layunin. Ang pagpapanatiling ligtas ang lahat ay isang nakabahaging responsibilidad. Iniingatan natin ang isa’t isa sa ating pang-araw-araw na mga gawain, upang maiwasan ang pinsala at mga sakuna, at gumagawa tayo ng mga angkop na pagkilos kung nakakakita tayo ng anumang bagay na maaaring maging sanhi ng pinsala. Sa pagsasagawa ng magagandang gawi ng kaligtasan, tayo ay napoprotektahan, ginagawang mas maginhawa ang ating kapaligiran ng trabaho at binibigyang-daan tayo na makatuon sa paghahatid ng pambihirang mga karanasan at solusyon para sa customer.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Itinataguyod natin ang isang kultura ng Walang Pinsala sa pamamagitan ng:

  • Pag-alam at pagsunod sa lahat ng alituntunin at pamamaraan ng kaligtasan
  • Hindi kailanman paggawa ng mga hindi kinakailangang panganib sa lugar ng trabaho o pag-utos sa iba na gawin ito
  • Agad na paghinto sa kung ano ang ginagawa natin kung ito ay maging hindi ligtas, kahit na katumbas nito ay ang pagkaantala ng produksiyon o ng trabaho
  • Palagiang pag-uulat ng mga hindi ligtas o hindi malusog na mga kondisyon o pag-uugali, tulad ng mga panganib sa lugar ng trabaho, sira o nawawalang kagamitan, banta ng karahasan o sandata sa mga ari-arian ng Kompanya
  • Pagkaalam kung ano ang gagawin kung sakaling may pinsala o iba pang emergency
  • Pagdating sa trabaho na walang impluwensiya ng alak o droga na maaaring makapagpahina ng pagpapasya o magbanta sa kaligtasan

Mag-isip Muna

T:

Dalawang beses nang hiniling sa akin sa linggong ito ng isang kasamahan sa production line na pagtakpan siya habang siya ay gumagawa ng mabilis at wala sa schedule na pahinga. Paminsan-minsan siyang nahihilo dahil sa kanyang bagong gamot. Sinabi ko sa kanya na nag-aalala ako na maaaring malagay siya at ang iba pa sa peligro dahil sa mga side effect ng gamot. Sinabi niya na walang dapat ikabahala—sa lalong madaling panahon ay masasanay rin siya sa gamot. Kailangan ko bang gumawa ng anumang aksiyon?

S:

Lahat tayo ay may obligasyong kumilos kung may malaman tayong potensiyal na panganib sa kalusugan at kaligtasan. Ang hindi paggawa nito ay magiging paglabag sa Kodigo na ito. Dapat mong payuhan ang kasamahan mo na makipag-usap sa kanyang superbisor, na maaaring isaalang-alang ang pansamantalang pagtatalaga ng ibang tungkulin o ibang pagsasaayos. Dapat mong ipaalam sa kanya na kung ayaw niyang ilahad ang problema, mapipilitan ka at ang iba na gawin ito. Iginagalang natin ang karapatan ng lahat sa privacy, ngunit ang kaligtasan ay mahalaga sa lahat.