Pagpigil sa mga pag-abuso sa nasa supply chain

Paggalang at Pagprotekta sa mga Karapatang Pantao

Paano Tayo Magwawagi

Nagtatrabaho tayo upang mapanatili ang isang etikal na supply chain sa pamamagitan ng pagtatrabaho lamang kasama ang mga kasosyo sa negosyo na pinapahalagahan at iginagalang ang mga karapatan ng mga tao sa lahat ng dako.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Pinamumunuan tayo ng ating mga layunin, na kabilang ang pangako sa paggalang at pagprotekta sa mga karapatan ng mga tao sa buong mundo. Naniniwala tayo na ang maayos na pagsuporta sa mga tao ay susi sa isang masaganang kinabukasan. Samakatuwid, nakatuon tayo sa pagtataguyod ng isang etikal at bukas na supply chain na walang pagtatrabaho ng mga bata, sapilitang paggawa, pang-aalipin at pangangalakal ng tao.

Bilang isa sa maagang lumagda sa United Nations Global Compact, gumawa tayo ng mga koneksiyon sa pagitan ng mga karapatang pantao at ang paglikha ng napapanatiling halaga na maaring pakinabangan ng lipunan.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Nagsusumikap tayo na igalang at protektahan ang mga karapatang pantao sa ating buong operasyon at supply chain sa pamamagitan ng:

  • Pagbibigay ng ligtas at malusog na mga kondisyon ng pagtatrabaho sa lahat ng pasilidad ng Johnson Controls
  • Paggalang sa mga karapatan ng mga empleyado na magtatag at makipagtawaran nang sama-sama at hindi kailanman magtangi laban sa kanilang mga kinatawan
  • Pagbabayad nang makatwiran sa merkado at pagtugon o paglampas sa lahat ng legal na kinakailangan na may kaugnayan sa pasahod
  • Pagpapahintulot sa mga empleyado na magtrabaho nang hindi hihigit sa regular at overtime na oras na pinahihintulutan ng lokal na batas
  • Pagsasagawa ng angkop na kaukulang pagsisikap sa mga potensiyal na kasosyo sa negosyo at mga pagsunod sa mga patakaran ng procurement kapag pumipili ng mga bagong vendor, hinahanap iyong mga hindi lumalabag sa mga karapatang pantao
  • Inaatasan ang mga supplier at vendor na sumunod sa ating Pandaigdigang mga Pamantayan ng Supplier
  • Pagtagubilin sa mga kasosyo sa negosyo na huwag bumili o gumamit ng mga conflict mineral
  • Pag-uulat ng anumang alalahanin sa mga karapatang pantao sa Law Department o sa Integrity Helpline

Para sa karagdagang paggabay sa paggalang at pagprotekta sa mga karapatang pantao, mangyaring tingnan ang ating mga patakaran sa Karapatang Pantao at Pagpapanatili, Pang-aalipin at Pangangalakal ng Tao, Pagkakaiba-iba ng Supplier at Conflict Minerals.

Pag-una sa mga Tao: Lahat ito ay Konektado

Ang mga karapatang pantao ay tungkol sa higit na pagsusuri sa ating supply chain. Ang mga ito ay tungkol sa kung paanong nararapat na tratuhin ang mga tao sa lugar ng trabaho, sa merkado at sa ating mga komunidad.

Nakikilala natin ang positibong epekto na maaaring magkaroon tayo bilang isang pandaigdigang kompanya. Ang ating pangako sa larangang ito ay ipinakikita sa ating Patakaran sa Karapatang Pantao at Pagpapanatili. Kinikilala nito ang maraming isyu na maaaring makaapekto sa mga karapatang pantao, kabilang ang:

  • Kalusugan at Kaligtasan
  • Mga kondisyon ng pagtatrabaho
  • Panunuhol at katiwalian
  • Paggalang para sa kapaligiran
  • Pamamahala
  • Bukas na pag-uulat at pananagutan

Mag-isip Muna

T:

Kamakailan ay nilibot ko ang mga pasilidad ng isang pangunahing supplier sa isang papaunlad na bansa. Ang ilan sa mga manggagawa ay tila napakabata para sa akin. Sa mahigit na dalawang mahabang araw, natatandaan ko na nakikita ko ang parehong mga mukha sa umaga at sa gabi. Alam ko na ang mga paglabag sa child labor at sa oras ng pagtatrabaho ay problema na sa bahaging ito ng mundo. May magandang reputasyon ang supplier na ito at tiniyak sa atin na sinusunod nila ang lahat ng naaangkop na batas sa paggawa. May responsibilidad ba ako na ibahagi ang aking mga alalahanin o higit pang patindihin ang bagay na ito?

S:

Bilang lumagda sa UN Global Compact at isang tagataguyod para sa mga karapatang pantao sa pangkalahatan, hindi pinapayaganng Johnson Controls ang pagtatrabaho ng mga bata o iba pang mga pag-abuso sa paggawa. Kung mayroon kang anumang alalahanin na maaaring mga paglabag sa paggawa o sa karapatang pantao sa isa sa ating mga supplier, dapat mong ibahagi ang iyong alalahannin sa pangasiwaan, Compliance Department o sa Integrity Helpline upang maaari itong masiyasat.