Mga gawaing pulitikal at paglo-lobby

Paglahok sa Prosesong Pulitikal

Paano Tayo Magwawagi

Sinusuportahan natin ang isang patas na prosesong pulitikal, nagtataguyod para sa ating mga patakaran pangnegosyo at hinihikayat ang ating mga empleyado na maging aktibong kalahok.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Naniniwala tayo na ang aktibong paglahok sa isang patas na prosesong pulitikal ay nagtataguyod ng isang malusog na lipunan. Bilang isang Kompanya, isinasali natin ang mga gumagawa ng patakaran sa mga problema at alalahanin na mahalaga sa ating negosyo at sa ating mga customer. Hinihikayat natin ang mga empleyedo na lumahok sa lokal na pulitika. Pangkalahatang nililimitahan ng Johnson Controls ang paggamit ng mga mapagkukunan ng Kompanya upang suportahan ang mga politikong kandidato. Sa halip, ang Kompanya ay may Political Action Committee (PAC), na pinopondohan sa pamamagitan ng kusang-loob na kontribusyon ng empleyado, na ginagamit upang suportahan ang mga kandidato ng U.S. na nakikiisa sa mga paninidigan ng patakaran ng Kompanya.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Responsable tayong lumalahok sa prosesong pulitikal sa pamamagitan ng:

  • Paghikayat sa mga indibidwal na empleyado sa paglahok sa pulitika, kabilang ang pagboto at paggamit ng kanilang sariling oras at pera
  • Paghikayat sa mga karapat-dapat na empleyado na kusang-loob na mag-ambag sa Johnson Controls PAC
  • Hindi paggamit ng pangalan ng Johnson Controls upang itaguyod ang isang partikular na partidong pampulitika
  • Hindi kailanman pagtangka na maling impluwensiyahan ang anumang ahensiya ng gobyerno, kinatawan o mambabatas
  • Pag-iwas sa paggamit ng mga mapagkukunan ng Kompanya upang suportahan ang mga kandidatong pampulitika o halal na opisyal
  • Pagsunod sa lahat ng kaugnay na batas, pagla-lobby at pagbubunyag ng mga kinakailangan, at ang ating Patakaran sa mga Pag-aambag na Pampulitika

Mag-isip Muna

T:

Ako ay kasalukuyang nagboboluntaryo para sa isang pulitiko na tumatakbo para sa isang posisyon. Naatasan akong gumawa ng isang banner para sa isang paparating na kaganapang pangangampanya, at kailangang makahanap ng isang malaking espasyo na paggagawaan upang matapos ito. Nais kong gamitin ang conference room sa opisina para dito. Gagamitin ko lang ang aking sariling mga materyales at gagawin lang ang banner matapos makumpleto ang aking araw ng pagtatrabaho para sa Johnson Controls. Gusto ko ring tiyakin na walang sinuman ang mangangailangan ng silid para sa negosyo ng Kompanya. Ito ba ay pinayagan?

S:

Iginagalang ng Johnson Controls ang karapatan ng bawat isa na maging kasangkot sa prosesong pulitikal. Ipinagmamalaki natin ang ating mga empleyado na nagboboluntaryo ng kanilang oras at pera upang suportahan ang kanilang mga paniniwalang pampulitika at mas gustong mga kandidato. Gayunman, hindi pinahihintulutan ng Johnson Controls ang paggamit ng mga mapagkukunan ng Kompanya, kabilang ang espasyo ng opisina, upang suportahan ang isang kandidato. Dapat nating iwasan ang pananaw na pagtataguyod sa partikular na mga pulitiko o partidong pampulitika. Samakatuwid, ang paggamit ng conference room ay hindi papayagan.