Procurement

Responsableng Pagpili ng Ating mga Supplier

Paano Tayo Magwawagi

Pinipili natin ang ating mga supplier nang makatwiran at walang kinikilingan upang bigyan tayo ng pinakamahusay na pagkakataon na magwagi kasama ang ating mga customer.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Inaasahan nating bumuo ng mga makahulugan at pangmatagalang relasyon sa supplier, batay sa kapakinabangan at tiwala sa isa’t isa. Tinutulungan tayo ng mga relasyong ito na magwagi sa merkado at magbigay ng katangi-tanging mga karanasan at solusyon sa customer. Gusto natin ang mga supplier na ibinabahagi ang ating pangako sa integridad at sama-samang pagtatrabaho. Kapag nararamdaman ng ating mga supplier na namuhunan sa tagumpay ng ating mga customer, kagaya natin, nagwawagi sila kapag nagwawagi ang ating mga customer.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Responsable nating pinamamahalaan ang procurement sa pamamagitan ng:

  • Pagtrato sa lahat ng kasalukuyan at potensiyal na mga supplier nang makatwiran at may integridad, hindi alintana ang halaga ng transaksiyon o haba ng relasyon
  • Naghahanap upang gumawa ng negosyo sa mga supplier na pinakamahusay na matutugunan ang ating mga pangangailangan at ibinabahagi ang ating mga pagpapahalaga
  • Pagsunod sa mga legal na pangangailangan (hal., ang U.S. Procurement Integrity Act at ang Foreign Corrupt Practices Act)
  • Pagsasagawa ng naaangkop na kaukulang pagsisikap sa mga potensiyal na supplier upang matiyak na sila ay karapat-dapat at marangal
  • Paggawa ng mga pagpili batay sa mga malinaw na pagsukat ng pagganap, tulad ng kalidad, presyo, serbisyo, pagiging maaasahan, magagamit, kahusayang teknikal, bilis ng paghahatid at mga etikal na gawi sa negosyo
  • Pagtataguyod ng magkakaiba at malawak ang saklaw na supplier base
  • Pag-iwas sa anumang mga salungatan ng kapakinabangan, o ang paglitaw ng mga ito, sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagpili sa isang supplier batay sa mga pagkakaibigan o relasyon sa pamilya
  • Hindi pagtanggap ng hindi naaangkop na mga regalo, paglilibang o anumang uri ng pagtatangi, na maaaaaring ilagay sa kompromiso ang pagpili ng mga pinakamahusay na kasosyo para sa Johnson Controls