Pisikal na ari-arian at mga yaman, ang ating reputasyon at ating kumpidensiyal at pansariling impormasyon

Pagbabantay ng mga Yaman ng Kompanya

Paano Tayo Magwawagi

Pinoprotektahan natin ang reputasyon ng Johnson Controls at ang iba pang mga yaman dahil ang mga ito ang mga pangunahing batayan para sa ating kinabukasan.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Nakatuon tayo sa kinabukasan. Itinatakda tayo para magwagi bukas ng pinakamahusay na paggamit ng kung ano ang mayroon tayo ngayon. Ang ating mga yaman—pag-aari, salapi, impormasyon, mga ideya at reputasyon—ay nagpapatuloy ng ating mga operasyon at pinapayagan tayo na mamuhunan sa makabagong ideya at patuloy na pagpapahusay. Bilang mabubuting tagapangasiwa ng mga yamang ito, ginagamit natin ang mga ito upang lumikha ng pambihirang mga karanasan ng customer at napapanatiling halaga ng mamumuhunan.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Binabantayan natin ang mga yaman ng Johnson Controls sa pamamagitan ng:

  • Paggawa ng makatwirang pag-aalaga ng mga yaman na nasa ating kontrol upang maiwasan ang kanilang pagkawala, pagkasira, pagkawasak, pagnanakaw o hindi awtorisadong paggamit
  • Pagiging mapagbantay para pigilan ang pandaraya, pagsayang o pag-abuso na may kaugnayan sa mga yaman ng Kompanya
  • Pamamahala ng ating mga talaan at impormasyon alinsunod sa Patakaran sa Pagpapanatili ng mga Talaan at iba pang patakaran ng Kompanya
  • Pagsunod sa mga protokol ng seguridad ng impormasyon at pag-access ng user upang protektahan ang mga sistema at data ng Kompanya mula sa hindi awtorisadong pag-access, pagbago, pagkopya, pagwasak o pagbunyag, maging ito man ay hindi sinasadya o sinasadya
  • Paggamit ng mga yaman ng Kompanya para lang sa mga layuning pangnegosyo, maliban kung may nalalapat na kataliwasan sa isang makatwiran at kaugnay na personal na paggamit
  • Pag-uulat ng anumang mga alalahanin tungkol sa paggamit, pag-abuso o pagsasapanganib ng mga yaman ng Kompanya

Iba’t ibang Yaman, Parehong Prinsipyo

May iba’t ibang anyo ang mga yaman ng Kompanya. Kung paano natin pinoprotektahan ang mga ito ay magdedepende sa mga yaman at sa ating partikular na tungkulin. Subali’t sa lahat ng kaso, naaangkop ang parehong prinsipyo: Ingatan at gumamit ng mahusay na pagpapasya.

Mga yamang impormasyon: Anumang data na may kaugnayan sa ating mga produkto, negosyo o kung paano natin isinasagawa ang ating mga operasyon, hindi alintana ang kung paano ito nilikha, ipinamahagi, ginamit o inimbak.

Mga yamang pinansiyal: Mga pera at anumang bagay na maipagpapalit sa pera, tulad ng mga stock, bond at deposito sa bangko.

Mga pisikal na yaman: Anumang bagay na mahahawakan na pag-aari ng Kompanya na ginagamit sa pagsasagawa ng ating negosyo (hal., mga pasilidad, makinarya, kagamitan, computer, mobile phone, raw materials, sasakyan, kagamitan at supply sa opisina).

Mga yamang hindi mahahawakan: Ang ating reputasyon, mga ideya, imbensiyon, pag-aaring intelektuwal, mga disenyo, copyright, trademark, patent at trade secret. Tinutulungan tayo ng mga yamang ito na maghatid ng makabagong ideya at pagpapahusay.

Tinutugunan ng mga sumusunod na paggabay ang ilang partikular na mahahalagang larangan na kung saan ay kailangan nating ingatan at gumamit ng mahusay na pagpapasya.

Pagprotekta sa mga Pansarili at Kumpidensiyal na Impormasyon ng Negosyo

Paano Tayo Magwawagi

Pinoprotektahan natin ang ating kumpidensiyal na impormasyon ng negosyo at intelektuwal na pag-aari dahil binibigyan tayo ng mga ito ng ating kalamangan sa merkado.

Dinadala natin ang ating kinabukasan pasulong at nagwawagi para sa ating mga customer sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ideya at paggamit ng kaalamang teknikal na wala ang iba. Ang ating kumpidensiyal na impormasyon ng negosyo at intelektuwal na pag-aari ay mahahalagang yaman ng negosyo na nagbubukod sa atin mula sa mga kakumpitensiya. Dapat nating protektahan ang mga ito mula sa hindi awtorisadong pagbubunyag o maling paggamit.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Binabantayan natin ang mga pansarili at kumpidensiyal na impormasyon sa pamamagitan ng:

  • Pagbahagi lang ng impormasyong ito sa mga taong awtorisado at may pangangailangang pangnegosyo na malaman ito
  • Hindi pagtalakay ng mga kumpidensiyal na bagay kapag may peligro na maaari tayong marinig nang hindi sinasadya
  • Pag-iingat sa labas ng lugar ng trabaho para matiyak na ang mga dokumento at electronic device ay hindi nakikita ng iba
  • Hindi kailanman paggamit ng kumpidensiyal na impormasyon para sa ating personal na kapakinabangan o para makinabang ang sinuman sa labas ng Johnson Controls
  • Pag-alala na nagpapatuloy ang obligasyon na protektahan ang kumpidensiyal na impormasyon ng Kompanya pagkatapos na umalis sa Kompanya

Ano ang Hitsura ng Kumpidensiyal na Impormasyon

Kabilang sa mga halimbawa ng kumpidensiyal na impormasyon ng negosyo ang:

  • Mga trademark, patent, trade secret at iba pang intelektuwal na pag-aari
  • Mga pribadong pinansiyal na impormasyon o projection
  • Bagong produkto o mga plano sa marketing
  • Mga ideya o impormasyon sa pananaliksik at pagpapaunlad
  • Mga proseso ng manufacturing
  • Detalyadong impormasyon sa procurement
  • Mga detalye ng suweldo at iba pang personal na data
  • Mga listahan ng empleyado at panloob na mga tsart ng organisasyon
  • Impormasyon tungkol sa mga posibleng pagtatamo, pagbebenta ng puhunan at pamumuhunan
  • Mga legal na opinyon at produkto ng trabaho
  • Iba pang impormasyon na maaaring mahalaga sa mga kakumpitensiya

Mag-isip Muna

T:

Kagabi ay kasama kong maghapunan ang isang dating kaibigan sa high school na nagtatrabaho para sa isang lokal na kompanya ng engineering. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa kung paano namin parehong ipinagmamalaki na ang aming mga kompanya ay nakatuon sa pagbabago upang malutas ang mga tunay na problema ng mundo. Nabanggit ko sa kanya, sa isang mataas na antas, na ang ilan sa ating mga pinakabagong produkto na kasalukuyang binubuo, ay nakatuon sa kung paano malulutas ng produkto. Pagkatapos umalis sa hapunan, nagtaka ako kung masyado akong nagbahagi at posibleng inilagay sa peligro ang mga ideya at pag-aari ng Kompanya.

S:

Tama ka na maging nag-aalala. Habang ang kaibigan mo ay hindi isang direktang kakumpitensiya, mahalaga pa rin na maging napakaingat na iwasan ang pagbahagi ng anumang impormasyon ng Kompanya na wala sa pampublikong domain. Ang ating intelektuwal na pag-aari, mga trade secret at iba pang kumpidensiyal na mga ideya at impormasyon ay mahahalagang yaman na kung saan nakasalalay ang ating mapagkumpitensiyang kalamangan. Kung naniniwala kang maaaring hindi mo sinasadyang naibahagi ang hindi pampublikong impormasyon tungkol sa mga produkto ng Kompanya, dapat kang makipag-ugnayan sa Compliance Team o Law Department para sa paggabay.

Responsableng Paggamit ng Teknolohiya at Mga Sistema ng Impormasyon ng Kompanya

Paano Tayo Magwawagi

Responsible nating ginagamit ang teknolohiya at mga sistema ng impormasyon ng Johnson Controls upang magtrabaho nang mahusay at makamit ang ating mga layunin sa negosyo.

Hindi magiging posible ang pagtatrabaho bilang Isang Pangkat para sa ating mga customer kung wala ang mga sistema at teknolohiya na ating inaasahan araw-araw. Binibigyang-daan tayo na magtabaho nang mas produktibo, makipag-ugnayan nang mas epektibo at mas mahusay na paglingkuran ang ating mga customer ng mga laptop, mobile device, email at ang imprastraktura na sumusuporta sa mga ito. Tinutulungan tayo ng mga ito na ma-access at magbahagi ng impormasyon na kailangan natin upang magbago at patuloy na humusay. Gayunman, uubusin ang ating mga pagkukunan, makokompromiso ang ating seguridad at mawawasak ang ating tatak at reputasyon ng hindi naaangkop na paggamit.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Ligtas at angkop nating ginagamit ang ating teknolohiya at mga sistema sa pamamagitan ng:
  • Pagbibigay lang ng access sa sistema sa mga awtorisadong indibidwal at hanggang sa tagal lamang na kinakailangan
  • Pagbibigay ng access sa mga awtorisadong user sa mga sistema at data na kailangan lamang para magawa ang kanilang mga trabaho
  • Pagprotekta sa mga password, regular na pagpapalit sa mga ito at hindi kailanman pagbahagi ng mga ito sa iba
  • Hindi paglalagay ng mga kumpidensiyal na impormasyon sa Internet
  • Hindi pagda-download ng mga hindi aprubadong software o pagbubukas ng mga kahina-hinalang attachment
  • Pagkonekta lamang ng mga awtorisadong personal na device sa mga network ng Johnson Controls
  • Paggawa ng mga hakbang upang protektahan ang hardware sa pagkawala, pagkasira o pagnanakaw
  • Hindi kailanman pagpapadala ng mga mensahe na naglalaman ng nakaliligalig o nakasasakit na content
  • Pag-iwas na bumisita sa mga hindi naaangkop na mga website
  • Paggawa lang ng makatwiran, nauugnay na personal na paggamit ng kagamitan at sistema ng Kompanya
 

Pangangalaga sa Reputasyon ng Kompanya

Paano Tayo Magwawagi

Nagsisikap tayo para mapanatili ang isang reputasyon para sa integridad at customer-driven na makabagong ideya sa lahat ng bagay na ating ginagawa.

Ang ating reputasyon ang isa sa ating pinakamahalagang kayamanan. Itinatatag natin ito sa halos mahigit 130 taon ngunit palagi nating tinitingnan ang kinabukasan. Ang bawat isa sa atin, sa ating pang-araw-araw na mga pagkilos at desisyon, ay dapat makaramdam ng bigat ng responsibilidad na pangalagaan ang reputasyon ng Johnson Controls. Kapag kumilos tayo nang may integridad at ginagawa ang ating mga pagpapahalaga sa pagkilos, magpapatuloy tayong makuha ang kumpiyansa at tiwal ang ating mga empleyado, customer at kasosyo sa negosyo.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Pinangangalagaan natin ang ating reputasyon sa pamamagitan ng:
  • Pagpapakitang-halimbawa ng ating mga pinakamahalagang pagpapahalaga
  • Palaging paggamit ng mahusay na pagpapasya sa negosyo
  • Pagiging dakilang kinatawan para sa Johnson Controls
  • Pagtiyak na ang ating mga desisyon at pag-uugali ay patuloy na nagpapanatili ng magandang pangalan ng Kompanya

Ang Ating Reputasyon

Ang 130-taong kasaysayan ay isang bagay na maipagmamalaki. Ngunit huwag kailanman kalimutan na ang reputasyon ay tungkol sa huling karanasan ng ibang tao sa pakikitungo sa atin at ang kanilang inaasahan sa susunod.

Pagpigil sa Pandaraya

Paano Tayo Magwawagi

Nangangahulugan ang ating pangako sa integridad na mapagbantay tayo upang maiwasan ang pandaraya, pagsasayang at pag-abuso.

Walang lugar sa Johnson Controls ang pandaraya, pagsasayang at pag-abuso. Ang ating pangako sa isang kultura ng integridad at tiwala ang pinakatiyak na paraan upang mapigilan ang mga pag-abuso, at matuklasan at itama ang mga ito kung ang mga ito ay mangyari.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Pinipigilan natin ang pandaraya, pagsasayang at pag-abuso sa pamamagitan ng:
  • Ganap at tumpak na paglalarawan ng biyahe, paglilibang at iba pang gastusin sa ating mga libro at talaan. Tingnan ang Patakaran sa Pandaigdigang Pangnegosyong Pagbiyahe, Paglilibang at Pag-uulat ng Empleyado sa Gastusin..
  • Tamang pag-uuri at accounting ng mga pinansiyal na transaksiyon
  • Pagsingil lamang para sa mga serbisyo na ating ipinagkaloob, sa loob ng mga kinakailangang takdang oras
  • Pagbibigay ng diskuwento na ating ipinangako
  • Pagsunod sa lahat ng patakaran sa procurement at pag-order lamang ng mga kalakal at serbisyo na kailangan natin
  • Hindi kailanman paggamit ng cash o mga credit card ng Kompanya para sa mga layuning hindi pangnegosyo
  • Paghingi ng paglilinaw kung hindi tayo nakatitiyak tungkol sa mga pamamaraan ng accounting o mga legal na obligasyon
  • Agarang pag-uulat ng mga alalahanin tungkol sa hindi naaangkop o kahina-hinalang aktibidad

Pagbabantay sa Ating mga Pasilidad

Paano Tayo Magwawagi

Pinapanatili nating tiwasay at ligtas ang ating mga pasilidad at kagamitan mula sa pinsala upang lagi tayong handa upang matulungan ang ating mga customer na magwagi.

Nagbibigay ang ligtas na mga pasilidad ng isang ligtas at maginhawang kapaligiran para sa ating mga tao habang pinoprotektahan ang ating mga kagamitan at materyales mula sa pagkasira, pagnanakaw o paniniktik na pang-industriya.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Binabantayan natin ang ating mga pasilidad sa pamamagitan ng:
  • Pagsusuot natin ng ating badge ng pagkakakilanlan ng Kompanya sa lahat ng oras, at pagtiyak na ginagawa rin ito ng iba pa
  • Hindi pagtukod sa bukas na mga pinto o pagpahintulot sa iba na sundan tayo sa mga protektadong pasukan
  • Hindi kailanman pagbibigay sa sinuman ng ating mga susi, badge o alarm code
  • Pagkandado ng mga pinto sa mga opisina at sasakyan
  • Kaagad na pag-uulat sa pangasiwaan ng mga pagtagas, sirang kagamitan o iba pang mga problema sa pagpapanatili
  • Pagsusuri at pagsubok ng lahat ng proteksiyon sa sunog at kagamitang panseguridad sa isang regular na iskedyul
  • Kaagad na pagtugon sa lahat ng alarma (kahit pagkatapos ng mga normal na oras ng negosyo)
  • Pagpigil sa mga hindi awtorisadong indibidwal mula sa pagpasok sa ating mga pasilidad at pakikipag-ugnayan sa Security kung mayroong nanghihimasok
  • Pakikipag-ugnayan sa Johnson Controls Global Security Operations Center (GSOC) sa +1 414 524 6700 o gsoc@jci.com sa kaganapan ng anumang alalahanin sa seguridad o krisis na nagbibigay ng isang aktuwal o potensiyal na panganib sa alinman sa ating mga empleyado, pasilidad o operasyon.
  • Pagtawag sa lokal na nagpapatupad ng batas o mga tagatugon sa emergency kung mayroong napipintong panganib