Magalang na pagtrato, pagpigil sa panliligalig at pananakot sa lugar ng trabaho

Pagtataguyod at Pagpapanatili ng Kagalang-galang na Lugar ng Trabaho

Paano Tayo Magwawagi

Tinatrato natin ang iba nang may paggalang, itinataguyod ang positibong kapaligiran ng trabaho na kung saan umuunlad tayo bilang Isang Pangkat.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Nagtutulungan tayo bilang Isang Pangkat, nag-uugnayan sa mga paraan na nagtataguyod ng tiwala at paggalang sa isa’t isa. Ang ibig sabihin nito ay propesyonal na pagkilos, pakikipag-usap nang bukas at may paggalang sa iba, at pagsuporta sa bawat isa hangga’t ating makakaya. Sa ganitong paraan, ang bawat isa sa atin ay tumutulong na hubugin at palakasin ang ating kultura ng kahusayan at integridad. Ang lugar ng trabaho na nagpapalakas at sinusuportahan ang pinakamahusay na pagsisikap ng lahat ay isang panalong lugar ng trabaho.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Pinapanatili natin ang isang kagalang-galang na lugar ng trabaho sa pamamagitan ng:

  • Pagbubuo ng tiwala sa mga kasamahan at kasosyo
  • Pakikinig upang makaunawa
  • Paghahanap ng mga pagkakataon upang makipagtulungan at magbahagi para sa ikakabuti ng pangkat
  • Kaagad na pag-iisip tungkol sa kung paano maaaring maunawaan ng iba ang ating mga salita at pagkilos
  • Pagtutol sa anumang uri ng pananakot o panliligalig at paghingi ng tulong kung kinakailangan
  • Pag-uulat ng hindi angkop na mga biro, insulto o iba pang nakasasakit na mga puna tungkol sa lahi, kasarian, kulay, relihiyon, edad, bansang pinagmulan, kapansanan, oryentasyong seksuwal o iba pang katangiang protektado ng batas
  • Hindi kailanman pagsasabi—o pagkunsinti—sa mga hindi kanais-nais na seksuwal na pahayag o balak, o pagpapakita ng mga bagay na maaaring nakakasakit sa iba
  • Pag-uulat ng anumang hindi angkop na pag-uugali, ikaw man ang tina-target nito o ibang tao

Mag-isip Muna

T:

Ang aking bagong superbisor ay napakamausisa at palakaibigan. Masusi niya akong tinatanong tungkol sa aking personal na buhay, kaya hindi ako komportable. Maaaring naiisip niya na siya ay nagiging palakaibigan, ngunit nahihiya ako sa kanyang mga paksa ng pakikipag-usap. Hiniling kong tumigil na siya, ngunit sinabi niyang masyado akong nababahala at nagtanong nang malakas kung nararapat ba ako para sa pangkat. Hindi ko gustong simulan nang masama ang pakikisama sa aking superbisor, ngunit kinakabahan ako sa kanya. Ano ang maaari kong gawin?

S:

Hindi kanais-nais at katanggap-tangap ang pag-uugaling ito ng superbisor, at walang lugar sa Johnson Controls. Kung sa pakiramdam mo ay komportable ka na gawin ito, ipaalam sa iyong superbisor kung ano ang nararamdaman mo dahil sa kanya at sabihin sa kanyang tumigil na. Kung mas gusto mong huwag nang muling harapin ang iyong superbisor, maaari kang makipag-usap sa isang mas mataas na tagapamahala o sa inyong kinatawan ng HR, o makipag-ugnayan sa Integrity Helpline. Alinman sa mga pagpipiliang ito ay magbibigay-daan sa atin upang makatulong na malutas ang problema. Pangangalagaan ka mula sa anumang paghihiganti.