Kalidad at kaligtasan ng produkto

Paghahatid ng Mahuhusay na Produkto at Solusyon

Paano Tayo Magwawagi

Nakatuon tayo sa paghahatid ng pinakamataas na halaga sa ating mga customer sa pamamagitan ng ligtas at makabagong mga produkto at solusyon.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Nais natin ang mga customer na nanatili sa atin sa pangmatagalang panahon, mga customer na nagtitiwala sa atin na maunawaan, asahan at matugunan nang mas mahusay ang kanilang mga pangangailangan kaysa sa ating mga kakumpitensiya. Hindi tayo kailanman kampante, palaging naghahanap ng bago at mas mahusay na paraan upang maging customer driven. Habang ipinagpapatuloy natin ang magpabago, hindi natin inilalagay sa kompromiso ang kalidad o kaligtasan ng ating mga produkto at serbisyo.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Naghahatid tayo ng kahusayan sa ating mga customers sa pamamagitan ng:

  • Paglikha ng kapaligiran na nagtataguyod ng kalidad at makabagong ideya para sa ating mga produkto at solusyon
  • Hindi kailanman gumagawa ng mga shortcut na maaaring ilagay sa kompromiso ang kalidad o kaligtasan ng anuman sa ating mga produkto at solusyon
  • Pagkolekta at pakikinig sa feedback ng customer
  • Kaagad na pag-uulat ng anumang alalahanin tungkol sa kaligtasan o kalidad ng produkto

Mag-isip Muna

T:

Nakasama ako sa isang muling pagdidisenyo ng produkto kamakailan. Inabot nang halos mahigit isang taon para matapos ang proseso at nagresulta sa pinaniniwalaan naming produkto na may pinakamakabagong teknolohiya sa kategorya nito. Gayunman, nag-aalala ako na maaring may natukoy akong isang depekto sa disenyo na maaaring, sa ilang pangyayari, ay gawing mag-short circuit ang produkto at maging sanhi ng sunog. Nabanggit ko ito sa aming tagapamahala. Tiniyak niya sa akin na napakaliit ng peligro at hindi namin dapat hulaan ang isang napakalawak na proseso ng pagsusuri. Ako ay nililigalig nito dahil maaaring may masaktan. Tumanggi ang aking tagapamahala na higit pang talakayin ang usapin. Sino ang maaari kong makausap?

S:

Isang mahalagang alalahanin ang kaligtasan para sa atin—kapag nagdidisenyo at bumubuo ng ating mga produkto at pagkatapos umalis ng mga ito sa pagawaan. Dapat kang makipag-usap alinman sa isang nakatataas na tagapamahala ng pangkat ng Engineering o makipag-ugnayan sa Compliance team, ang inyong lokal na kinatawan ng EHS o isang miyembro ng pangkat ng EHS ng kompanya o magsumite ng ulat sa Integrity Helpline. Sa ganoong paraan, maaaring maayos na masuri at mapabilis ang iyong alalahanin, kung kinakailangan.