Matapat na mga gawi sa marketing, pagbebenta at serbisyo

Marketing at Matapat na Pagbebenta

Paano Tayo Magwawagi

May tiwala at matapat tayong nagsasalita tungkol sa kahalagahan na ihinahatid natin sa customer dahil itinatatag nito ang tiwala sa ating tatak.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Inuuna ng Johnson Controls ang integridad. Ipinapangako natin ang katapatan at pagiging bukas sa lahat ng kasama natin sa negosyo. Nagsisimula ang pagwawagi sa negosyo at pagkuha ng tiwala ng customer sa kung paano natin ipinakikita ang ating mga solusyon sa merkado. Ipinakikita natin kung paano tayo nagdadagdag ng pagpapahalaga sa isang malinaw at matapat na paraan, at naghahatid tayo batay sa ating mga pangako.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

May tiwala at matapat nating ipinapakita ang ating tatak sa pamamagitan ng:

  • Tumpak na pagpapakita ng mga kakayahan ng ating mga produkto at serbisyo
  • Pagtiyak na natutugunan ng mga materyales at kontrata ng marketing ang mga legal at pangregulasyon na kinakailangan
  • Pagtuon sa mga benepisyo ng ating mga solusyon, at hindi pagpuna sa ating mga kakumpitensiya nang hindi makatarungan
  • Pag-iwas sa mga taktika ng pagbebenta na mataas ang pressure at “overselling”
  • Pagkuha ng tamang awtoridad para tapusin ang mga deal o lumagda sa mga kontrata
  • Pagtugon sa isang napapanahong paraan sa mga katanungan at alalahanin ng customer

Mag-isip Muna

T:

Sa isang kamakailang pulong sa pagbebenta, sinagot ng aking kasamahan nang tumpak ang isang teknikal na tanong ng isang malamang na customer subalit, sa aking palagay, ay hindi kumpleto. Hindi gustong salungatin ang aking kasamahan sa harap ng customer, tinanong ko siya sa loob ng taxi pagkatapos. Sinabi niya, “Tama ang aking ipinakita sa customer at hindi mahalaga sa kanilang desisyon ang kaunting bagay na nakalimutan kong banggitin. Dahil sinabi nila sa atin na tayo ay nasa shortlist, maaari nating linawin ito sa susunod na pulong.” Sa pakiramdam ko ay hindi tayo dapat maghintay at dapat tiyakin na ganap na may alam ang customer.

S:

Tama ang iyong pakiramdam. Kapag ipinakikilala natin ang ating mga produkto at solusyon sa merkado, dapat nating ibigay ang kumpletong larawan upang makagawa ng ganap na may kaalamang desisyon ang mga customer at prospect. Ang pagbalik upang linawin ang mga detalye sa puntong ito ay isang magandang paraan upang makuha ang paggalang at tiwala ng customer. Ang customer ang dapat magpasya kung ano ang mahalaga para sa kanila. Kung nakapagbenta tayo batay sa maling pagkaunawa, may peligro tayong masira hindi lang ang isang relasyong pangnegosyo, kundi pati ang ating reputasyon.