Mga inaasahan ng supplier

Pagtataguyod ng Ating mga Pandaigdigang Pamantayan sa Supplier

Paano Tayo Magwawagi

Inaasahan natin ang ating mga supplier na gumana sa parehong mataas na pamantayan na ating inilalapat sa ating sarili – laging may integridad.

Bakit Natin Inuuna ang Pagpapahalaga

Naniniwala tayo sa pagkilos na may integridad, na ipinakikita ang paggalang at pagtugon sa ating mga pangako. Wala tayong inaasahan na mas mababa mula sa mga taong gustong makipagnegosyo sa atin. Ang ating Mga Pandaigdigang Pamantayan sa Supplier ang nagtatakda sa mga inaasahang ito. Dapat alam at sundin ng ating mga supplier ang mga pamantayang ito upang matiyak na nagtatrabaho sila na kasama natin nang etikal at responsable at tumutulong na mapanatili ang reputasyon ng Johnson Controls.

Ano ang Hitsura ng Pagwawagi

Pinapanatili natin ang mataas na pamantayan at etikal na pagkilos sa ating supply chain sa pamamagitan ng:

  • Pagiging malinaw at direkta sa mga supplier tungkol sa ating mga kinakailangan, kapwa sa mga tuntunin ng kung ano ang kailangan natin at kung paano ito dapat gawin
  • Bukas at makatwirang pakikipagkasundo
  • Pagtiyak na ang pinagkasunduang mga tuntunin ay ganap at tumpak na nakuha sa panulat: sa mga kontrata, mga purchase order at iba pang dokumento
  • Paggawa ng punto na ipinapaliwanag ang ating mga pagpapahalaga at pilosopiya sa paggawa ng negosyo at ipinapakita ang mga ito sa ating mga kontrata
  • Paglalapat ng ating Mga Pandaigdigang Pamantayan sa Supplier nang tuloy-tuloy sa lahat ng relasyon sa supplier
  • Pagbibigay sa mga suppliers ng mga mapagkukunan at karagdagan paggabay para sa anumang kinakailangang paglilinaw sa mga inaasahan