Mga Pagpapahalaga Muna

Everyone, Everywhere, Every Day

Lahat, Saan man, Araw-araw

Ginagawang mas produktibo, mas ligtas at mas napapanatili ang mundo ng ating mga ginagawa sa araw-araw sa Johnson Controls. Ang paglikha ng mga panalong solusyon para sa ating mga customer ang siyang susi ng pagwawagi sa merkado. Mahalaga kung paano natin ginagawa iyon dahil walang halaga ang pagwawagi kung walang integridad. Iyan ang dahilan kung bakit Integridad Muna ang una sa ating mga pagpapahalaga.

Ang ating mga pagpapahalaga ang puntong pagsisimulan ng lahat ng ating ginagawa, saan man natin ito gawin. Ipinapaalala ng mga ito sa atin—at sa iba—kung sino tayo, kung ano ang ating pinaninindigan at paano natin ginagawa ang mga bagay-bagay. Ang mga ito ang ating inspirasyon at ating gabay. Kung kaya ito, ang Kodigo ng Etika ng Johnson Controls, ay tinatawag na “Mga Pagpapahalaga Muna.”

Naghahatid ang Ating mga Pagpapahalaga ng mga Panalong Pag-uugali, Na Naghahatid ng mga Panalong Resulta

Sa Johnson Controls, ginagabayan tayo ng ating mga pagpapahalaga - magmula sa inspirasyon hanggang sa tagumpay.

Integridad Muna

Ipinapangako natin ang katapatan at pagiging bukas. Itinataguyod natin ang pinakamataas na pamantayan ng integridad at iginagalang ang mga pangakong binibitiwan natin.

Pinamumunuan ng Layunin

Naniniwala tayo sa paggawa ng mabuti sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at binibigyan ng pananagutan ang ating mga sarili na gawin ang mundo na isang mas mabuting lugar sa pamamagitan ng mga solusyong ating ipinagkakaloob, ng ating pakikipag-ugnayan sa lipunan, ang paraan ng pagnenegosyo natin at ating pangako na pangalagaan ang mga tao at ang kapaligiran.

Customer Driven

Nagwawagi tayo kapag nagwawagi ang ating mga customer. Nagbibigay ang ating mga pangmatagalang estratehikong relasyon ng mga kakaibang pananaw at ng kakayahang maghatid ng natatanging mga karanasan ng customer at mga solusyon.

Nakatuon sa Kinabukasan

Dinadala tayo ng ating kultura ng pagbabago at patuloy na pagpapahusay sa paglutas ng mga hamon ngayon habang patuloy na itinatanong ang ‘ano ang susunod.’

Isang Pangkat

Tayo ay isang pangkat, nakatuon sa pagtatrabaho nang sama-sama upang lumikha ng may layuning mga solusyon na nagtutulak sa mundo nang pasulong.

Bakit Nauuna ang Ating mga Pagpapahalaga

Bakit Nauuna ang Ating mga Pagpapahalaga

Sa loob ng mahigit 130 taon, nakapagtatag ang Johnson Controls ng reputasyon bilang isang kompanyang mapagkakatiwalaan na tumutupad sa ating mga pangako at naghahatid ng halaga para sa ating mga customer at iba pang stakeholder.

Ang reputasyong ito ang ating pananagutan, anuman ang ating tungkulin sa Kompanya. May direktang epekto ang ating mga pansariling kagustuhan at aksiyon sa kakayahan ng Johnson Controls na matugunan ang mga inaasahan ng ating mga customer, mamumuhunan at iba pang stakeholder. Kahit na tayo ay 120,000 tao, na sumusuporta sa maraming tatak at tungkulin sa buong mundo, nagwawagi tayo bilang Isang Pangkat. Kailangang suportahan ng ating mga kagustuhan at pag-uugali ang kultura ng pagtitiwala at paggalang habang nagtutulungan tayong gawin ang pinakamahusay nating gawain.

Iyan ang dahilan kung bakit mayroon tayong Pagpapahalaga Muna, ang ating Kodigo ng Etika. Itinatakda nito ang mga inaasahan para sa mga pag-uugali at ginagabayan tayo patungo sa pagkakamit ng pinakamahusay na resulta para sa ating mga sarili at sa lahat ng ating stakeholder. Isa itong praktikal at madaling gamitin na mapagkukunan, na nagpapakita sa atin kung paano natin gagawing aksiyon ang mga nakabahaging pagpapahalaga. Kapag hinimok ng ating mga pagpapahalaga ang mga tamang pag-uugali, lahat ay nagwawagi.