George Oliver

Mensahe mula sa CEO

 

Minamahal na Mga Kasamahan,

Nabubuhay tayo sa isang daigdig na ang mga kaguluhan, pagbabago at kawalan ng katiyakan ay mga pang-araw-araw na katotohanan. Ang ideya ng pagkakaroon ng higit na kontrol sa mga kapaligiran kung saan tayo nabubuhay, nagtatrabaho at naglalakbay ay parehong muling nagbibigay ng tiwala at nagbibigay ng kapangyarihan. Noong 1883, ang ideyang ito ang pumukaw kay Warren S. Johnson para likhain ang electric room thermostat. Ang parehong pangunahing pag-iisip ang pumupukaw sa Johnson Controls ngayon: sa buong mundo tayo ay nakikipagtulungan at nagpapanibago upang gawing ligtas, maginhawa at napapanatili ang mundo. Nakikita natin ang ating mga sarili bilang isang kompanya na mas maraming ginagawa kaysa sa gumagawa ng mga bagay; gumagawa tayo ng pagkakaiba.

Dapat nating panatilihin ang mas malaking larawan sa ating isip habang tayo ay nagtatrabaho at habang nakikipag-ugnayan tayo sa ating mga kasamahan, customer at sa buong mundo. Pinaaalalahanan tayo sa paggawa nito na ang epekto ng ating mga pansariling desisyon at aksiyon, para sa mabuti o masama, ay maaaring mas malawak kaysa sa ating naisip. Higit na naging mas mahalaga kumpara sa dati ang tiwala ng customer at ang reputasyon para sa kalidad, pagkamaaasahan at integridad. Dahil dito, ang Pagpapahalaga Muna, ang Kodigo ng Etika ng Johnson Controls, ay isang mahalagang mapagkukunan. Bawat isa sa atin ay may pananagutan na maging pamilyar sa Kodigo at sundin ito sa lahat ng panahon.

Mahalaga ang pangalan ng Kodigo; ipinakikita nito ang paniniwala na kapag inuna natin ang pagpapahalaga, nagtatatag tayo ng negosyo na magtatagal. Itinataguyod ng pagsasakatuparan ng ating mga pagpapahalaga ang isang kultura ng pagtitiwala at paggalang. Iyon ay nagbibigay-daan sa atin na makipagtulungan, magpanibago at gawin ang ating pinakamahusay na gawain upang tayo at ang ating mga customer ay magwawagi nang magkasama.

Salamat sa lahat ng ginagawa ninyo upang makatulong na gawing ligtas, maginhawa at napananatili ang mundo.

Taos-pusong sumasainyo,

George Oliver
Chairman at Chief Executive Officer

Mga Pagpapahalaga Muna